Bikining Pilipinas 2019 umarangkada na

Report by Arvin Cabachete
Photo by JR Noses

Pinakilala na ang ang dalamwamput-apat na kandidata ng Bikining Pilipinas 2019 sa mga press noong nakaraang Linggo, March 31, na ginanap sa Landsbergh Place Condominium, Tomas Morato, Quezon City.

Suot ang two-piece swimsuit ng Simone Swimwear, pumarada ang mga kandidata sa harap ng mga inbitadong media at piling VIPs.

Ayon sa mga tagapamuno ng nasabing pageant na sina Victor Naynes (CEO at President) at Romeo Martin (Managing Director), layunin nilang makahanap ng isang babaeng confident na maglakad na nakabikini sa harap ng tao.

Darling of the press winner na si Dheza Rose Asis kasama sina Romeo Martin (Managing Director) at Victor Naynes (CEO at President).

“The main reason for us to be doing this project is to cross not only pageant but to cross also showbiz. We hope that the candidates can penetrate the showbiz industry. We have an agency that is accredited with ABS-CBN. So that’s how we able to help the candidate,” sabi ni Romeo Martin.

Itinanghal na ‘Darling of the Press’ si Dheza Rose Asis ng Isabela. Sumali na ito sa Gandang Babae ng It’s Showtime at nakaabot hanggang Top 15.

Si Dheza Rose Asis ng Isabela ang itinanghal na Darling of the Press sa katatapus na media presentation.

Maliban sa tsansang makapasok sa showbiz, ang mananalo ay makakakuha ng P100,000.

Gaganapin ang coronation night sa Mayo 1, 2019 sa The Island, Uptown BGC. Para sa tiket, tumawag sa 0923-9989479 o 0945-8440658.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial
Facebook
Google+
http://lifenstylecentral.com/2019/04/02/bikining-pilipinas-2019-umarangkada-na">
Twitter